Glaucoma is a group of diseases, often associated with eye pressure, that destroys the optic nerve. The optic nerve is the cable that connects the eye to the brain. Optic nerve damage causes shrinking of the visual field
and, eventually, blindness.
It causes irreversible blindness. Unlike blindness caused by cataracts which can be reversed with cataract surgery, vision lost due to glaucoma is gone forever.
Glaucoma is the 2nd leading cause of irreversible blindness in the world. One study estimates that 60.5 million people worldwide have glaucoma with 8.4 million of them blind in both eyes. In the Philippines, glaucoma is the 3rd leading cause of blindness in both eyes and is the leading cause of irreversible blindness of both eyes.
Glaucoma can occur at any age but by far the most commonly affected are older individuals. Persons with the following risk factors have a higher chance of developing or having glaucoma:
These persons should have themselves screened for
glaucoma by an ophthalmologist (EyeMD).
Most cases of glaucoma have no symptoms or very subtle symptoms. Because the vision loss starts at the edges of the visual field (peripheral vision) and occurs gradually, many glaucoma sufferers do not realize that
there is a problem until they have lost a large area of their vision. Ideally, people should have themselves examined so glaucoma can be detected even before symptoms occur.
A small percentage of people with glaucoma have episodes of eye pain, blurred vision, redness, headache, nausea or vomiting, and seeing rainbows around lights.
An ophthalmologist examines the optic nerve, measures the eye pressure, and views the fluid drain of the eye. If needed, tests to measure the field of vision and analyze the optic nerve are used. Sometimes, the diagnosis isn’t
definite after a few examinations and tests so monitoring is needed to check for development of glaucoma.
Glaucoma cannot be cured. Damage to the optic nerve caused by glaucoma is permanent. Glaucoma can be controlled, especially when discovered early. In certain cases, the risk of developing glaucoma can be greatly minimized by particular types of preventive treatment.
Depending on the type and stage of glaucoma it can be treated with eye drops, laser or surgery. Since there is no cure, lifelong monitoring is needed.
Ito ay grupo ng mga sakit na nagdudulot ng pauntiunting pagkasira ng ugat ng mata (optic nerve). Kadalasan may kaugnayan dito ang presyon ng mata. Ang ugat ng mata ay ang kable na nagdudugtong ng mata sa utak. Kapag nasira ang ugat ng mata ang paningin sa gilid (peripheral vision) ay unti-unting nawawala hanggang sa mabulag.
Ang pagkasira ng paningin na dulot ng glaucoma ay hindi na maibabalik ngunit kayang mapigilan ang paglala nito. Hindi ito katulad ng katarata na kayang ibalik ang linaw ng paningin sa pamamagitan ng operasyon.
Ang glaucoma ay pangalawa sa mga pangunahing sanhi ng permanenteng pagkabulag sa mundo. Humigit kumulang 60.5 na milyong tao sa mundo ay may glaucoma at 8.4 na milyon sa kanila ay bulag sa parehong mata. Sa Pilipinas, ito ang pangunahing sanhi ng permanenteng pagkabulag sa dalawang mata.
Ang glaucoma ay nakakaapekto ng kahit sino pero mas madalas itong mangyari sa mga matatanda. Ang mga sumusunod ay mas nanganganib na magka-glaucoma at dapat magpatingin sa doctor sa mata:
Karamihan sa mga may glaucoma ay walang sintomas. Dahil unti-unti at sa gilid nagsisimula ang pagkawala ng paningin, maraming may glaucoma na hindi napapansin na may problema hanggang malawak na ang nawalang
paningin. Iilan sa mga may glaucoma ay may sintomas katulad ng pananakit ng mata, paglabo ng paningin, pamumula ng mata, pananakit ng ulo, pagsusuka o may nakikitang bahaghari sa paligid ng mga ilaw.
Tinitingnan ng doktor ang ugat ng mata, sinusukat niya ang presyon ng mata at sinisilip niya ang daluyan ng likido ng mata. Mayroon ding mga espesyal na pagsusuri na pwedeng gawin para masukat ang lawak ng paningin at ang ugat ng mata. Minsan hind pa rin sigurado kung may glaucoma kahit naka-ilan nang eksamin kaya kailangan bantayan kung magkaka-glaucoma.
Walang lunas ang glaucoma. Anumang sira ng ugat ng mata na dulot ng glaucoma ay permanente. Pero kayang pigilin ang pagtuluy-tuloy ng glaucoma lalo na kapag maagang natuklasan. Sa ilang kaso, kayang bawasan ang panganib ng glaucoma bago pa magsimula ang pagkasira ng ugat ng mata.
Nagagamot ang glaucoma ng pamatak, “laser” o operasyon depende sa klase ng glaucoma at sa lala ng glaucoma. Dahil walang lunas, panghabangbuhay na bantayan at gamutan ang ginagawa ng doktor sa mata.